PicturePhilippine Flag with the U.S Flag
Ang pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nangangahulugang ang Pilipinas ay itinuring na isang teritoryo ng Estados Unidos ay magmula 1898 hanggang 1946. Bukod sa ilang mga retensiyonista o mga tao na nais panatilihin ang Pilipinas bilang isang nasasakupan ng Estados Unidos, ang balak ng mga naging Pangulo ng Estados at ng mga kinatawan (representatibo) ng Estados Unidos hinggil sa kanilang misyon ng pangongolonya ay ang pag-iiwi (tutelahe, o pangangasiwa ng kapuluan ng Pilipinas hanggang sa maabot na nito ang ganap na gulang o tamang panahon ng pagpapalaya), na naaayon sa kung kailan at sa anong mga katayuan at mga kasunduan.


Unang yugto (1898-1935)Unang tumuntong sa kapuluan ng Pilipinas ang mga sundalo ng Estados Unidos noong 1898, subalit ang unang hakbang sa kanilang pamumuno sa Pilipinas ay nagsimula noong 1899, nang itinalaga ng Pangulo ng Estados Unidos na si William McKinley ang Unang Komisyon na pang-Pilipinas o Komisyon ni Shurman (First Philippine Commission o Schurman Commission) noong Enero 20, 1899, na nasundan ng iba pang mga Komisyon

Unang Komisyon (1899) Ang Komisyon ni Shurman o Unang Komisyon ng Estados sa Pilipinas ay isang komisyon na binubuo ng limang mga Amerikano at pinamunuan niJacob Schurman. Kabilang sa mga kasapi nito si Admiral Dewey at Heneral Otis. Layunin ng Komisyon na alamin ang kalagayan ng kapuluan. Kabilang sa ulat ng Komisyon, pagkaraan ng isang taon, na ang mga Pilipino ay naghahangad ng kasarinlan at kalayaan; at kabilang sa kanilang mga mungkahi ang (a) pagiging hindi pa handa ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng kalayaan at kasarinlan, (b) ang paglulunsad ng pamahalaang sibilyan sa halip na pinangangasiwaan ng isang gobernador na militar, (c) pagtatatag ng lehislaturang bikameral (ang lehislatura ay ang kapulungan ng mga tagapaglagda ng mga kautusan o batas), (d) paglulunsad ng mga pamahalaang mayroong awtonomiya sa mga antas na panlalawigan at pangmunisipyo, at (e) pagtatatag ng isang sistema ng walang bayad o libreng publikong mga paaralang pang-elementarya.


Ikalawang Komisyon (1900)Ang tatlong pangunahing mga haligi ng palatuntunan o programa ng pag-iwi ng Komisyong Taft sa Pilipinas ay kinabibilangan ng mga sumusunod: (a) kaunlarang pang-ekonomiya, (b) edukasyon, (c) paglulunsad ng mga institusyong kumakatawan o representatibo lahat ng ito ay dahil sa pamumuno ni William Howard Taft.


Sistema ng pulitikaKabilang sa sistemang pampulitika na ginamit ng Estados Unidos sa Pilipinas ay ang tinatawag na "patakaran ng pag-akit" (policy of attraction), kung kailan inakit ng mga Amerikano ang mga pili na mga Pilipino (ang mga elite), partikular na ang mga ilustrado (na binansagan bilang "oligarkiya ng intelihensiya"), na mas nais na makipagtulungan sa Espanya o kaya sa Estados Unidos dahil hindi nila pinagkatiwalaan ang Katipunan at sila ay mga rebolusyanoryong nag-aatubili. Kabilang sa mga ito sina Trinidad H. Pardo de Tavera (isang inapo ng maharlikang Kastila) at Benito Legarda (isang kapitalista at may-ari ng lupa), na kapwa umayaw sa pamahalaan ni Emilio Aguinaldo noong 1898 dahil sa hindi pagkakaroon ng mga kasunduan kay Apolinario Mabini.


Pamana ng patakaran ng pag-akit Mayroong tinatanaw bilang tagumpay at kabiguan ang "patakaran ng pag-akit". Ang tagumpay nito ay ang pagkakabigay sa mga Pilipino ng Estados Unidos ng "edukasyong pampulitika". Ang kabiguan naman nito ay ang pagkakaroon ng hadlang (dahil sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang malakas na partidong pampulitika) sa mga hangarin o interes ng mga hindi elite o hindi pili sa lipunan.


Batas JonesNagkaroon ng pagtutulungan sa pagitan ng mga panig ng mga Amerikano at ng mga Pilipino noong maging Gobernador-Heneral ng Pilipinas si Francis Burton Harrison (1913-21), isang pinuno na inilarawan bilang isang "monarkang pangkonstitusyon" na namamahala ng "pamahalaan ng mga Pilipino". Naging liberal si Woodrow Wilson, na nasa ilalim ng Democratic Party (Partido Demokratiko), sa pakikitungo sa mga Pilipino. Noong 1913, nagtalaga si Wilson ng 5 mga Pilipinas bilang miyembro ng pambatas na Komisyong Pilipino (unang pagkakataon na nasa mayorya ang bilang ng mga Pilipino sa nasabing Komisyon). Isinakatuparan ni Harrison ang Pilipinisasyon ng serbisyo sibil, na mas dumami ang bilang ng mga Pilipinong opisyal ng pamahalaan kaysa sa dami ng mga Amerikano. Sa panahong ito, nangingibabaw ang Nacionalista Party ng mga Pilipino.


Sampamahalaan ng PilipinasNoong 1935, dahil sa isang lehislasyon na ipinasa ng Konggreso ng Estados Unidos noong 1934, nailunsad ang pagiging Sampamahalaan o Komonwelt ng Pilipinas....

    Authors Here!

    Bayan ni Juan writer's of Grade 7 Diamond of Good Samaritan Colleges, Cabanatuan City.

         Lessons in 
    Araling Panlipunan 7

    All